SSS, nilinaw na wala pang pagtaas sa kontribusyon ng lahat ng miyembro

Wala pang pagtaas sa kontribusyon sa lahat ng miyembro ng Social Security System o SSS.

Ito ayon kay Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS Luzon Central Division ay dahil wala pang kautusan na magbibigay pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio, sinabi ni Inocencio na nananatiling nasa 11 percent ng monthly salary bracket ang contribution ng mga miyembro sa SSS.

 

Samantala, muling ipinaalala ng sss sa lahat ng miyembro na matatanggap na ang karagdagang 1,000 mula sa inaprubahang panukalana p2,000 across-the-board na dagdag sa buwanang pensyon ng SSS.

Speak Your Mind

*