Kampanya laban sa employers na hindi nagbabayad ng kontribusyon, pinaigting

Nagpapatuloy ang isinasagawang “Run After Contribution Evaders” (RACE) ng Social Security System, bahagi sa pinaigting na kampanya laban sa employers na hindi nagbabayad ng buwanang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ang RACE ay isang paalala sa employers na tuparin ang kanilang mga tungkulin sa sss at pati na din sa mga empleyado.

Nilinaw naman ni Senior Communications Analyst Maureen Inocencio, ng SSS Luzon Central Division na nilunsad nila ang programa hindi para ipakulong ang mga empleyado kundi layun nilang makasingil ng tamang kontribusyon.

 

Ngunit ayon kay Inocencio, sakaling hindi parin tumatalima ang mga delingkwenteng employer ay maaari silang sampahan ng kaukulang kaso.

 

Ang tinig ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS Luzon Central Division sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*