Sto. Tomas PNP, tuloy parin ang kampanya kontra ilegal na droga

Patuloy ang isinasagawang drug awareness program at pakikipag-dayalogo sa sampung barangay ng bayan ng Sto. Tomas, kahit na sila ang kauna-unahang drug free munisipality sa buong Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Police Senior Inspector (PSI) Regin Cabico, Officer-In-Charge ng Sto. TOMAS Pnp sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni Cabico na regular din ang kanilang isinasagawang house visitation at drug symposium upang maipabatid ang masamang dulot sa paggamit ng ilegal na droga.

 

Nabatid na zero drug surrenderer ang naitala ng Sto. Tomas PNP kaugnay sa ipinatupad na anti-drug campaign ng pamahalaan.

Speak Your Mind

*