Suporta ni Gov. Espino sa kapulisan, pinasalamatan ni PD Lee

Hindi umano matatawaran ang suportang ibinibigay ni Governor Amado “Pogi” Espino III sa kampanya ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) laban sa ilegal na droga.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni PS/Supt. Ronald Lee, Police Provincial Director na lahat ng mga proyektong inilalatag o mga request ng pppo ang ibinigay ng governador.

Ayon kay Lee, pinangunahan ni Governor Espino ang pagkakaroon ng anti-illegal drug summit na kauna-unahang ginawa sa lalawigan.

 

Maging sa mga sports activity din aniya ng mga kapulisan ay sinusuportahan ni Governor Espino gaya ng katatapos lang na Shotfest Compitation kung saan pinaayos pa ni Espino ang kanilang firing range.

 

Ang tinig ni PS/Supt. Ronald Lee, ang bagong talagang Police Provincial Director ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*