Taguiwalo, Mariano malaki ang tiyansang lumusot sa CA

Malaki umano ang tiyansang hindi sapitin nina Sec. Judy Taguiwalo at Sec. Rafael Mariano ang naging kapalaran ni Gina Lopez sa Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Isabela Rep. Rodolfo Albano III, CA Majority leader, may sapat na numero para makumpirma si Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi naman ni Albano na hindi malayong makumpirma si Mariano bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) dahil sa tradisyon sa Kongreso na sinusuportahan nila ang kanilang mga dating kasamahan.

Samantala, sinabihan naman ni Albano ang mga kasamahan sa CA na alisin ang ‘branding’ sa pagtatanong nila sa dalawang nominees.

Nabatid na parehong mula sa ‘makakaliwa’ sina Taguiwalo at Mariano.

Speak Your Mind

*