Taguiwalo nanindigan sa naging pahayag kontra-CA

Nandindigan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa kanyang pahayag na isang porma ng tortyur ang pag-antala ng Commission on Appointments (CA) sa kanyang kumpirmasyon.

Aniya, may epekto kasi ang hindi pa pagkumpirma sa kanya dahil hindi siya makagawa ng pangmatagalang plano para sa DSWD.

Dagdag pa ni Taguiwalo, isa siyang public servant na inirekomenda ng National Democratic Front (NDF) at nauunawaan niya na kailangang dumaan sa proseso.

Ang hindi lang aniya niya naiintindihan ay kung bakit pa pinatatagal ang kumpirmasyon.

Speak Your Mind

*