Tamang pag-uugali ng mga kawani ng gobyerno, iginiit ng CSC-Pangasinan

Nilinaw ng Civil Service Commission (CSC)-Pangasinan na may sinusunod na tamang pag-uugali ang lahat ng mga kawani o empleyado ng gobyerno.

Ito ayon kay Romel Rivera, Special Investigator III ng CSC Lingayen Field Office kaugnay sa panukalang batas na isinusulong sa kongreso na Anti-Office Bullying Act.

Ayon pa kay Rivera na matagal ng isinusulong ng CSC ang kaparehong batas sa ilalim ng Republic Act No. 6713 o mas kilalang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”

 

Nakapaloob din umano sa nasabing batas ang pagiging patas at tapat ng isang kawani ng gobyerno kayat kung may ganitong pag-uugali ay maiiwasan ang mga kaso ng bullying.

Speak Your Mind

*