Tourism at infrastructure project ng probinsya, malaking tulong sa Balungao

Umaasa ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Balungao, Pangasinan na tuloy-tuloy na isusulong ng provincial government ang turismo at inprastruktura sa kanilang bayan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Balungao Mayor Philip Peralta na ang patuloy nilang pagsusulong ng turismo sa kanilang bayan ay hindi nila magagawa kung wala ang suporta ng probinsya.

Malaki aniya ang pasasalamat ni Mayor Peralta dahil isa ang bayan ng Balungao sa tinutulungan ng probinsya sa pagdevelop lalo na sa larangan ng turismo.

Sa ngayon, mayroon na aniyang ginagawang infrastructure project ang provincial government sa bayan ng Balungao na magpapayabong pa sa turismo ng bayan.

 

Sa ngayon, maituturing na isa sa may tourist distanation ang bayan ng Balungao sa pamamagitan ng kanilang Balungao Hill Top Adventure.

Speak Your Mind

*