Turkey, Mongolia humihirit na maging kasapi ng ASEAN

Humihirit ang bansang Turkey at Mongolia na maging kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Inanunsiyo ito ni Duterte pagkauwi niya sa bansa mula sa anim na araw na working visit, kabilang na ang pagdalo niya sa “One Belt, One Road” summit sa China.

Aniya, personal niyang nakausap sa bilateral meeting sina Turkish President Recep Tayyip Erdogan at Mongolian Prime Minister Jargaltulgyn Erdenebat na parehong nagpaabot ng intensiyong sumali sa ASEAN.

Bilang chairman ng ASEAN, nakahanda naman aniya si Duterte na mag-sponsor sa entry ng Mongolia at Turkey para maging kasapi ang mga ito ng asosasyon.

Wala naman aniyang problema kung malayo na ang dalawang bansa kung geographical ang pag-uusapan dahil maaari umanong magsilbing tulay ang mga ito sa Europe at Asya.

Speak Your Mind

*