Ubial nangakong ‘di na ipupursigi ang condom distribution’

Hindi na raw ipupursigi ni Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Jean Ubial ang kontrobersiyal na pamamahagi ng condom partikular na sa mga estudyante.

Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, hindi malayong manganib ang appointment ni Ubial sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kung patuloy nitong isusulong ang paglalaan ng pondo sa mga ipamamahaging condom.

Giit ni Sotto, mas mainam na magturo ng responsableng pamumuhay kaysa sa maglaan ng malaking salapi mula sa kaban ng bayan para lamang sa contraceptives.

Paniwala ng senador, kailangang resolbahin ang ugat ng problema kung bakit maraming kabataan ang nasasadlak sa maagang pagbubuntis at pagkakasakit.

Speak Your Mind

*