UN Special Rapporteur Agnes Callamard nasa Bansa

Nasa Pilipinas ngayon si UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Abitrary Executions Agnes Callamard para dumalo sa drug policy forum ng Commission on Human Rights (CHR) at free legal assistance group (FLAG).

Dumalo rin si Callamard sa 30th anniversary ng CHR.

Sinabi ni CHR Chairman Chito Gascon na ang pagdalo ni Callamard ay para sa ‘academic purpose’ lamang.

Nakatakdang magpulong sina Callamard at Gascon sa susunod na mga araw.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya nandito si Callamard ay para magsagawa ng imbestigasyon sa mga nagaganap na patayan sa bansa.

Speak Your Mind

*