Urbiztondo, patuloy na nabibiyayaan ng constraction project ng provincial government

Ikinatuwa ng pamahalaang bayan ng Urbiztondo, Pangasinan ang tuloy-tuloy na constraction project sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Urbiztondo Mayor Martin Raul Sison na malaking tulong sa kanyang mga kababayan ang proyektong natapos noong nakaraang taon na 4.5 kilometrong Urbiztondo-San Carlos Road.

Ngayon taon, sisimulan na naman aniya ang 1.7 kilometrong Urbiztondo-Basista Road na tiyak na mapagpapaganda ng daloy ng trapiko, magpapasok ng investor at magpapabawas ng mga aksidente.

 

Sa ngayon, napapanatili naman umano ang peace in order sa bayan ng Urbiztondo dahil sa programa ng kapulisan kontra ilegal na droga kung saan aabot na sa isan daang porsyento nang drug cleared barangay.

Speak Your Mind

*