US, tiniyak na sasaklolo sa Pilipinas kapag sinalanta ng kalamidad

Tiniyak ng US Forces na sa loob lamang ng beinte kuwatro oras ay handa silang sumaklolo sa Pilipinas sakaling makaranas ng matinding kalamidad.

Ito ang inihayag ni US Exercise Director Command Post-Staff Exercise (CPX-STAFFEX) Combined Exercise Control Group Balikatan 33-2017 Major Andrew Merz.

Sinabi ni Merz na ang mga tulong na ibibigay ng Amerika ay hindi available sa bansa gaya ng lift at logistics supports.

Ang nasabing pagsasanay ay isinasagawa sa Command and General Staff College (CGSC) sa Camp Aguinaldo.

Sinimulan ang Phl-US Balikatan Joint Military Exercises noong Mayo 8 at magtatapos sa Mayo 19 ng taong ito.

Ayon kay Merz, sakaling makaranas muli ng category 5, signal number 5 o super typhoon ang pilipinas ay tutulong ang US Forces sa abot ng kanilang makakaya.

Speak Your Mind

*