Voter’s IDs, Puwede Nang I-Claim — COMELEC

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na maaari nang makuha ng mga botante ang kanilang mga voter’s identification cards (IDs) mula sa kani-kanilang local election officers.

Ito ang paalaala ni COMELEC Spokesperson James Jimenez matapos na bumisita ito sa isang election office at matukoy na marami pang voter’s IDs ang nakatengga pa rin sa mga office of the election officers at hindi pa nakukuha ng mga may-ari nito.

Ayon kay Jimenez, nasa siyam na milyong voter’s IDs pa ang hindi nakukuha mula sa mga local COMELEC offices sa buong bansa.

Speak Your Mind

*