Walang deal sa pagpapalaya kay Marcelino — PAO

Itinanggi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta na may kapalit ang pagpapalaya kay Lt. Col, Ferdinand Marcelino.

    Ayon kay Acosta, walang katotohanan ang ikinakalat ng ibang senador na gagamitin si Marcelino para idiin si Senadora Leila De Lima sa kaso kaugnay ng droga.

    Aniya, dati pang gusto ni Marcelino na tumestigo sa House hearing hinggil sa Bilibid drug trade.

    Sa ngayon, ani Acosta ay balik na sa duty nito si Marcelino matapos makalaya.

Speak Your Mind

*