Walang kapalit ang pagkakaabsuwelto ni Napoles — Abella

Nirerespeto ng palasyo ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nag-absuwelto kay Janet Lim Napoles sa kasong illegal detention.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nagsalita na ang CA at inirerespeto nila ito.

Punto pa ng abogado, iba ang kasong illegal detention ni Napoles sa kinahaharap nitong kasong plunder.

Binigyang-diin naman ni Panelo na walang ‘sweetheart deals’ sa pagitan ng Administrasyong Duterte at ni Napoles sa pagkakaabsuwelto rito.

Ang mga abugado ni Napoles ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Speak Your Mind

*