Walumpong porsyento, drug cleared barangay na sa bayan ng Rosales

Nasa walumpong porsyento o nasa lima mula sa tatlumpot pitong barangay sa bayan ng Rosales, Pangasinan ang Drug Cleared Barangay.

Ito ang inihayag ni Deputy Chief Of Police (DCOP)Police Senior Inspector (psi) Conrado Morial, ng Rosales PNP sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio kaugnay sa nagpapatuloy na kampanya ng kapulisan kontra ilegal na droga.

Ayon kay morial, patuloy parin ang kanilang isinasagawang barangay drug clearing operation kung saan sa ngayon ay umabot na sa 347 ang kanilang drug surrenderer.

Hindi pa naman umano kabilang ang bayan ng Rosales sa masasabing hot spot sa ilegal drug sa lalawigan.

Sa ngayon, patuloy naman umano ang isinasagawang check point ng kapulisan sa mga pangunahing lansangan ng Rosales kasabay sa ipinapatupad Oplan Sumvac 2017.

 

Speak Your Mind

*