‘Work from home’ aprub na sa Senado

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang batas na naghihikayat sa mga kumpanya na magkaroon ng program, kung saan ay sa bahay na lamang magtatrabaho ang kanilang mga empleyado.

    Paraan umano ito para masolusyonan ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila at iba pang mataong siyudad.

    Ang panukalang batas na Telecommuting Act of 2017 ay inihain ng mga senador na sina Joel Villanueva at Cynthia Villar, na inaprubahan naman ng dalawampu’t dalawang senador.

    Layon din ng panukalang protektahan ang karapatan ng home-based workers at tiyaking magkakaroon ang mga ito ng pantay na sahod at benepisyo gaya ng mga empleyadong nagtutungo pa sa mga opisina.

    Noong 2016, iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may dalawandaan at animnapu’t isang kumpanya na may ‘voluntary flexible arrangements’ sa kanilang mga empleyado.

Speak Your Mind

*