Xi-Duterte dialogue, ‘frank’ pero maayos — Cayetano

Ipinagtanggol ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ibunyag na nagbanta ng giyera ang China kung ipipilit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS).

Ani Cayetano, committed si Duterte pagdating sa pagtatanggol ng teritoryo.

Kailangan lamang aniyang magtiwala sa ginagawa ngayon ng pangulo.

Ani Cayetano, naging maayos naman ang pag-uusap nina Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Para kay Cayetano, walang nangyaring pambu-bully sa usapan nina Xi at Duterte.

Wala rin umanong usapan patungkol sa pakikipag-alyansa ng militar.

 

Speak Your Mind

*