Kahalagahan ng pag-aalaga sa bato, ipinaalala ngayong “National Kidney Month”

Pinalalahanan ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan ang publiko sa kahalagahan ng pag-aalaga sa bato o kidney, bahagi ng ating “urinary system”.

Ito’y kaugnay sa selebrasyon ngayong ikatlong linggo ng Hunyo ang “National Kidney Month” na may temang “Wastong Pangangatawan, Sakit Sa Bato Kayang Maiwasan”.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Ammiel Jairuz Cariño, Administrative at Nurse ng PHO na ang kidney ay syang tagapag-linis ang dugo sa mga “toxins o dumi ng katawan.

Ngunit kapag nasira aniya ang kidney ay magdudulot na ito ng malaking epekto sa katawan o pagtaas nang toxic materials sa katawan na nagreresulta ng pagkasira ng isip ng tao.

 

Maiiwasan naman ayon kay Cariño ang pagkasita ng kidney kung uugaliin ang pag-inum ng tubig, bawasan ang pag-inum ng softdrink, pagkain ng mga sitserya, panatilihin ang malinis na katawan.

 

Ang tinig ng Ammiel Jairuz Cariño, Administrative at Nurse ng PHO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*