Pag-Ibig Fund, sinimulan na ang pagpapatupad sa kanilang ID System

Sinimulan na ng Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig Fund ang pagpapatupad ng kanilang Integrated Information System Program noong Mayo 20, 2017.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni lorenzo ocampo, branch head ng pag-ibig fund dagupan na ibig sabihin nito ay magiging id system na ang lahat ng miyembro ng pag-ibig.

Dahil dito, hinihikayat ng Pag-Ibig ang lahat ng kanilang miyembro na mag-parehistro na online gamit ang kanilang “migrated to a new system” gaya ng kanilang unang ipinatupad na Loyalty ID Card.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon na ng permanent ID Number ang isang Pag-Ibig Fund Member.

Dagdag pa ni Ocampo na hindi naman maiiwasan na magkaproblema sa online registration ngunit minimal lamang ito at agad na natutugunan.

Magandang pagkakataon din aniya ang pag-up-grade sa ID System para sa lahat ng may problema sa loan.

 

Sa ngayon, umaabot na umano sa mahigit 100,000 ang miyembrong siniserbisyuhan ng Pag-Ibig sa Central at Western Pangasinan.

Speak Your Mind

*