Siyam na Pangasinan State Universities sa Pangasinan, libre na ang tuition

Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED), Region 1 na maipapatupad na ngayong school year 2017-2018 ang libreng edukasyon para sa lahat ng estudyante ng State Universities and Colleges (SUCS).

Ayon kay Dr. Danilo Bose, Senior Program Supervisor (SEPS) ng CHED Region 1, ang budget ng free tuition fee ay nakapaloob na sa GAA o General Appropriations Act of 2017.

Ang nasabing pondo aniya na umaabot sa P8 billion ay mula sa hindi nagastos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong nakaraang taon kayat ibinigay sa CHED para gawin free tuition fee ng mga estudyante ng SUCS.

Pinawi naman ni Bose na pangamba ng mga Higher Education Institution (HEI) na baka ang lahat ng mga estudyante ay pupunta na lahat sa mga SUCS dahil ang cover lang ng free tuition fee ay ang mahihirap ngunit magagaling ng mga estudyante.

 

Nabatid na sa buong Region 1 ay may anim na SUCS kung saan sa lalawigan ng Pangasinan ay may Pangasinan State Universities na may siyam na campuses gaya ng Pangasinan State University Alaminos City, Pangasinan State University Asingan, Pangasinan State University Bayambang, Pangasinan State University Binmaley, Pangasinan State University Infanta, Pangasinan State University Lingayen, Pangasinan State University San Carlos City, Pangasinan State University Santa Maria at Pangasinan State University Urdaneta City.

Speak Your Mind

*