Suplay ng dugo, kulang para sa pangangailangan ng mga Pangasinense

Aminado ang Provincial Health Office o PHO na kulang na kulang ang suplay ng dugo para sa pangangailangan ng publiko sa buong lalawigan ng pangasinan.

Dahil dito, nakikiisa ang pho sa selebrasyon ng “World Blood Donor Day” na magaganap sa darating ng Hunyo katorse na may temang “Give Blood, Give Now, Give Often”.

Ayon kay Donnie Bautista, Administrative at Nurse ng PHO, inaasahang makakalikom ng maraming suplay ng dugo ang isasagawang Blood Donation sa Capitol Complex sa darating ng June 15 dahil dadaluhan ito ng lahat kawani ng Capitolyo.

Sinabi pa ni Bautista na isa sa makukuhang benepisyo ng pagdo-donate ng dugo ang kasiyahang madarama dahil makakapag-ligtas ng buhay, at ang mabuting dulot nito sa kalusugan.

 

Bukod pa rito, pinabababa rin ng pagdo-donate ng dugo ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, stroke at cancer.

Idinagdag pa ni Bautista na maganda rin para sa mga taong may mataas na calories ang pagdo-donate ng dugo.

Speak Your Mind

*