Women Center, inilunsad sa Dagupan para tutukan ang kapakanan ng mga kababaihan

Tinututukan hindi lang mga kabataan kundi ang mga kababaihan sa lungsod ng Dagupan.

Ito’y sa pamamagitan ng inilunsad ng Women Center sa Dagupan kung saan dito inilalatag ang lahat ng mga program at proyekto para sa “Samahan ng mga Kababaihan sa Dagupan” o SAKADA.

Maging ang kababaihan aniya na dumaranas ng pang-aabuso ay sinasagip narin ng Women Center.

Ayon kay Lorna Fernandez, Program Development Officer ng Population Commission o POPCOM na sa ngayon ay ibat-ibang programa gaya ng mga livelihood training.

 

Nabatid na lahat ng tatlumput isang barangay sa Dagupan ay nakabuo na Women Center para sa grupong SAKADA na ang mga miyembro ay may edad labinwalo hanggang limamput siyam na taong gulang.

Speak Your Mind

*