11 barangay sa Dagupan, mahigpit na binabantayan sa panahon ng tag-ulan

Labing isang barangay na nasa low lying areas ang tinututukan ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o cdrrmo-dagupan sa panahon ng pagbaha.

Sinabi ni Bernard Cabison, Deputy Operation Officer ng CDRRMO Dagupan na partikular nilang binabantayan ng Sitio Fisherish sa Barangay Malued dahil kunting ulan pa lamang ay agad itong nalulubog sa baha.

Batid umano ng CDRRMO na sinasahod ng Dagupan ang lahat ng tubig na nagmumula sa highand area, kayat kahit walang ulan ay agad ng binabaha ang Sitio Fisherish dahil nasa mababang area ito.

 

Samantala, kung may banta naman aniya ang bagyo o storm surge, mahigpit naman nilang binabantayan ang limang island barangay at mga Brgy. Bonuan Gueset, Boquig, at Binloc dahil malapit ito sa dagat.

Speak Your Mind

*