Random drug testing sa lahat ng emplyado ng gobyerno, mandato na – CSC

Lahat umano ang sangay ng ahensya ng gobyerno ay inaatasang magsagawa ng random drug testing sa lahat ng kanilang emplyado.

Ito ayon kay Rommel Revera, Senior Human Resource Specialist ng CSC-Pangasinan ay batay sa inilabas na Memoradum Order No. 13 serries of 2017 ng Civil Service Commission o CSC.

Ayon kay Revera na ang isang empleyado ng gobyerno ay tumangging sumailalim sa ramdom drug testing ay maaaring kasuhan ng “gross insubordination” na may kaakibat ng isantaong pagkakasuspendi.

Ngunit kung sumalang naman sa drug testing at nagpositibo sa paggamit ng droga ay mabibigyan parin nang pagkakataong magbago.

 

Ngunit kung ang isang empleyado naman ay tumanggi na sumailalim sa drug rehabilitation ay maaaring kasuhan ng grave misconduct at maaari nang tanggalin sa serbisyo sa gobyerno.

Speak Your Mind

*