Point of Service ng PhilHealth, ikinagulat ng provincial government ng Pangasinan

Ikinagulat ng provincial government ng Pangasinan ang biglaang implementasyon ng Point of Service ng Philhealth kapalit sa Point of Care Program.

Ito ayon kay Pangasinan 4th District Board Member Jeremy Jerico Rosario kung saan wala man lang aniyang isinagawang konsultasyon sa kanilang hanay para sa naturang bagong programa.

Sinabi pa ni Rosario na ang Point of Care Program ng probinsya ay malaking tulong sa mahihirap na Pangasinenseng nagkakasakit dahil sa “no balance billing” ng Philhealth.

Maging ang Philhealth Regional Office sa pangunguna ni Atty. Rodolfo del Rosario Jr., ay ikinagulat din umano ang Memoradum Circular No.11-2017 o Point of Service na sinimulan nang ipinatupad nitong Hulyo a-uno.

 

Dagdag pa ni Rosario na maging ang hospital sa lalawigan ay nangangapa rin kung paano ipapatupad ang nasabing Point of Service ng Philhealth.

Speak Your Mind

*