BFAR-NIFTDC, ikinalungkot na walang industriya ng pag-aalaga ng ulang sa bansa

Ikinalungkot ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) na walang industriya ng pag-aalaga ng ulang sa bansa.

Ito ayon kay Dr. Westly Rosario, center chief ng BFAR-NIFTDC sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, ngunit kung sisimulan naman aniya ang pag-aalang ng ulang sa bansa ay hindi na mahirap.

Sinabi pa ni rosario na nagawa na sa BFAR-NIFTDC sa Bonuan Binloc, Dagupan City ang pinakamahirap na bahagi sa pag-aalaga ng ulang, ito ay ang pagpaparami ng similya.

 

Ayon pa kay Rosario, malaki ang potensyal na kumita sa pag-aalaga ng ulang dahil sa malaking demand nito sa merkado na mabibili sa P350 ang kada kilo.

Nabatid na ang ulang, isang uri ng hipon ay maaring alagaan sa tubig tabang o fresh water kung saan hindi rin ito madaling tamaan ng sakit.

Ang industriya ng ulang ay patok na sa mga bansa ng Thailand, Vietnam, Laos at Cambodia.

Speak Your Mind

*