Bilang ng mga insidente na niri-respondihan ng CDRRMO-Dagupan, tumataas

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga insidente na niri-respondihan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO-Dagupan sa mga nakalipas na taon.

Ito ang inihayag ni Bernard Cabison, Deputy Operation Officer ng CDRRMO Dagupan kung saan kabilang sa mga nirespundihan ang mga kaso ng aksidente, sunog, pagkalunod at iba pa.

Mula aniya sa taong 2013 ay nakapagtala ng 90 cases, nopng 2014 ay nakapagtala ng 263 cases, 2015 ay mayroong 605 cases, noong 2016 ay nakapagtala naman ng 909 cases.

Sinabi pa ni Cabison na ngayong taon, mula buwan ng enero hanggang hulyo ay nakapagtala na ang cdrrmo ng 326 cases.

Dahil dito, naniniwala si Cabison na malaki ang maitutulong sa rescue and response ng CDRRMO ang mga bagong rescue equipment na binili ng city government.

 

Bukod dito, tiyak umanong magagamit ang naturang mga kagamitan sakali mang may tumamang kalamidad sa lungsod.

Speak Your Mind

*