CSC, mababantayan ang mga empleyado ng gobyerno dahil sa Anti-Red Tape Act

Tiniyak ng civil Service Commission o CSC-Pangasinan na kanilang naitatatupad ang Anti-Red Tape Act of 2007 o ACTA sa mga empleyado ng ahensya ng goberyerno.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio kay Rommel Revera, Senior Human Resource Specialist ng CSC-Pangasinan, sinabi nito na lahat ng mga reklamo ng kleyente ng mga ahenysa ng gobyerno ay agad nilang aaksyunan.

Ayon kay Revera, sa ilalim ng ACTA ay kailangang maibigay ng maayos, mabilis at kompleto ang serbisyo ng isang empleyado sa lahat ng mga kleyente.

 

Mandatory aniya sa mga tanggapan ng ahensya ng gobyerno ang paglalagay ng suggestion box upang makita at malaman na operational at functional ang kanilang feedback mechanism.

Speak Your Mind

*