Dagupan, kabilang na sa Category C sa may kaso ng HIV/AIDS sa buong bansa

Inihayag ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan na kabilang na ang lungsod ng Dagupan sa Category C sa may kaso ng HIV/AIDS sa buong bansa.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Harriet EUNICE cox, Health Education Promotion Officer ng PHO na kapag nakabilang na sa kategorya, ibig sabihin ay mataas na ang naitatalang kaso ng HIV/AIDS sa lugar.

Dagdag pa ni Cox na ang nakakabahala sa dumaraming kaso ng HIV/AIDS ay mula sa edad na labin lima hanggang dalawamput apat na taong gulang.

Isa naman aniya sa itinuturong dahilan ng pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS sa mga kabataan ay dahil sa impluwensya ng social media.

 

Para naman aniya maiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS, dapat gawin ang mga susunod na hakbang gaya ng A -abstain from sex, B -be monogamous, C -correct and consistent use of condom, D -do not inject drug, E -education at ang letter  F – follow-up.

Speak Your Mind

*