Deworming program ng Provincial Health Office para sa mga bata, napapatuloy

Nagpapatuloy ang deworming program ng Provincial Health Office (PHO) sa mga bata kasabay sa selebrasyon ng “Deworming of School Children 2017”.

Ito ayon kay Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO ay dahil marami sa mga bata ang hindi pa napupurga.

Sa ngayon, umaabot pa lamang umano sa 45,000 na mga batang edad 13 hanggang 18 gulang habang nasa 933 pa lamang mula sa 68,000 na populasyon ng mga bata na nasa edad 5 hanggang 12 taong gulang ang napurga.

Ayon kay Zarate, maaaring ang hindi pagpayag o pagbibigay pahintulot ng mga magulang sa kanilang anak na sumailalim sa deworming ang dahilan ng mababang bilang.

 

Ang tinig ni Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*