DTI E-presyo, inilalatag ang magkakaibang presyo ng mall at wet market

Ipinapatupad na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng kanilang “E-Presyo” ang magkaibang presyo ng mga price commodities sa mga grocery sa Mall at sa Wet Market.

Ito ang inihayag ni Marjury Loresco, chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Loresco, batay sa inilabas na Suggested Retail Price (SRP) ng kanilang mga manufacturer nitong hulyo a-uno, makikita sa “DTI e-Presyo” ang suggested retail price, previeling prices at lowest prices.

Sa ngayon, hindi pa naman aniya nailalagay sa system ng “DTI e-Presyo” ang presyo ng mga retailer upang mas malawak ang pagpipilian ng mga mamimili.

 

Ang tinig ni Marjury Loresco, chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan

Speak Your Mind

*