Ilang indibidual sa Region 1, pumasok sa pPresidential Lingkod Bayan Awards ng CSC

Ilang indibidual sa rehiyong uno ang pumasok sa Presidential Lingkod Bayan Awards, at PAGASA Awars, semi-finalists ng Civil Service Commission o CSC.

Ito ang inihayag ni Rommel Revera, Senior Human Resource Specialist ng CSC-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, kung saan ang Lingkod Bayan Award ay ibinibigay sa isang indibidual na malaki ang naging kontibusyon sa national level.

Kabilang naman aniya sa Presidential Lingkod Bayan Awardees si Jail Superintendent Kenneth Bid-Ing ng Bureau of Jail Management and Penology, La Union, Chief Science Research Specialist Jovita Datuin ng Department of Agriculture at Chief IV Dr. Westly Rosario ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Dagupan.

Pumasok naman sa semi-finalists para sa PAGASA Award sina Master Teacher I Mary Ann Grace Dulay ng Manaoag National High School, Teacher III Richard Tambio ng SPED Center, ng Central School San Manuel, Pangasinan.

Sa ngayon, nagpapatuloy aniya ang isinasawang validation sa nasabing mga awardees.

Speak Your Mind

*