Implementasyon ng “Kapatid Mentor Me” program sa Pangasinan, nagpapatuloy

Tuloy-tuloy ang isinasagawang training ng Department of Trade and Industry o DTI-Pangasinan sa mga negosyante na kabilang sa Micro at Small Entrepreneurs o MSES.

Ito’y sa ilalim ng “Kapatid Mentor Me” program na inilunsad noong a-bente buwan ng Hunyo, ginagabayan o tinuturuan ng matatagumpay na negosyante ang mga maliliit na negosyante.

Sinabi ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, limang module na ang natatapos sa isinasagawang pagsasanay kung saan labin isang module ang kailangang nilang tapusin.

 

Ayon pa kay Dalaten, ang Pangasinan ang isa sa pinaka-maraming miyembro na nagsasanay dahil sa lawak na sakop ng lalawigan na may 44 munisipalidad at apat na syudad kayat hindi nila maaaring limitahan ang mga negosyanteng gustong nakasama sa “Kapatid Mentor Me Program”.

Speak Your Mind

*