Kaso ng Acute Gastroenteritis sa Pangasinan, pumalo na sa mahigit 6,000

Pumalo na sa mahigit animna libong kaso ng Acute Gastroenteritis ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.

Batay sa datos ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan, mas mataas ang 6,109 na naitalang ngayong taon kumpara sa 4,818 na kaso noong nakaraang taon.

Dahil sa umaabot na dalawamput limang porsyentong pagtaas, ang acute gastroenteritis na ang isa sa tinututukang sakit ng PHO dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Karamihan naman sa tinatamaan ng naturang sakit ang mga bata na nasa edad apat na taong gulang pababa.

Isa naman sa itinuturong dahilan ng pagkakasakit ng acute gastroenteritis ay dahil sa maruming pagkain at tubig.

Kabilang naman ang lungsod ng San Carlos, at mga bayan ng Calasiao, Malasiqui, Bayambang at Sta. Barbara ang may mataas na kaso ng acute gastroenteritis sa buong lalawigan ng Pangasinan

Speak Your Mind

*