Limang bayan sa lalawigan ng Pangasinan, inilagay sa dengue hot spot

Umakyat na sa mahigit walong daan ang tinamaan ng sakit na dengue sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang ngayong Hulyo.

Batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO), mas mababa naman ang bilang na 829 cases ngayong taon kasya sa 926 na kaso ng dengue sa kaparehas na taon noong nakaraang 2016.

Nakapagtala naman ng apat ang namatay dahil sa dengue.

Samantala, limang bayan narin ang inilagay sa dengue hot spot dahil sa mataas ng kaso ng dengue

Kabilang dito ang bayan ng Bayambang na may 48 na kaso, Malasiqui na may 45 na kaso, Lingayen na may 43 na kaso, Tayug na may 40 na kaso at ang bayan ng San Nicolas na may 37 kaso ng dengue.

Maliban dito, mataas din ang kaso ng dengue sa lungsod ng Dagupan na pumalo na sa isandaan labing anim na kaso ang naitala sa loob ng anim na buwan ngayong taon.

Speak Your Mind

*