Mahigit animnalibong mga Pangasinense, sasailim sa CSE-PPT

Mahigit animnalibong mga pangasinense ang nakatakdang sumabak sa isasagawagang Civil Service Examination – Pen and Paper Test ng Civil Service Commission o CSC sa darating na Agosto a-sais.

Ito ang inihayag ni Rommel Revera, Senior Human Resource Specialist ng CSC-Pangasinan kung saan 3,683 dito ay mula sa professional at 940 ay sa sub-professional level.

Ayon pa kay Revera, apat ng lugar ang napiling pagdausan ng pagsusulit  kabilang na ang Pangasinan State University (PSU) Lingayen, Pangasinan National High School, PHISAT, at Lingayen Central Elementary School.

Matatandaan na laging isinasagawa ang CSE-PPT sa lungsod ng Dagupan, ngunit dahil sa naranasang ilang pagbaha ay inilipat na ito sa bayan ng Lingayen.

Bagamat nakaroon ng massive information ang CSC hingil sa kanselasyon ng examination ay nagbigay parin ito ng kalituhan sa mga aplekaste kayat marami sa kanila ang hindi nakakuha ng CSE-PPT.

 

Malinaw aniya sa pinermahang application ng mga examinees na kapag hindi sila nakasipot sa itinakdang eksaminasyon ay hindi na nila makukuha ang kanilang registration fee.

Speak Your Mind

*