Mahigit 400 mga barangay sa Region 1, naideklerang drug-cleared ng PDEA

Umaabot na sa 482 mula sa 2,829 na barangay ang drug-cleared na sa Region 1.

Ito ang inihayag ni Regional Director Jeoffrey Tacio ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa isinagawang Dangerous Drugs Abuse Prevention and Treatment Summit sa Ilocos Sur.

Mula sa nasabing bilang, 282 dito ay mula sa Pangasinan, 202 sa La Union at tig-23 sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director James Fardilan, na malaking tulong ang mga grupo ng Mamamayan Ayaw Sa Droga, Mamamayan Ayaw Sa Anomalya (Masa-Masid) sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga at korapsiyon.

Mula sa report ng Police Regional Office-1, napag-alaman na mayroon ng 10,074 na naideklerang graduate sa Community Based Rehabilitation (CBRP) na programa ng mga lgu sa mga sumukong drug personality.

Speak Your Mind

*