MDRMMO Bani, patuloy ang paghahanda sa posibleng pagdating ng kalamidad

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagsasanay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Bani, Pangasinan sa kanilang mga rescue personnel.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Angelico Ventenilla, MDRRMO ng Bani, sinabi nito na ito ay para mapaghandaan ang posibleng pagdating ng kalamidad.

Sa ngayon, nakapag-patapos na aniya ang MDRRMO ng isandaan dalawampu na nagsanay sa basic life support at standard first aide at dalawamput apat na sumailalim sa wasar training.

Ganunpaman, hindi umano tumitigil ang ldrrmo sa pagsasagawa ng massive information sa mga barangay upang matiyak na magkaroon ng kaalaman ng publiko sa disaster preparedness.

 

Nabatid na kabilang ang bayan ng Bani sa bahaing lugar ng pangasinan dahil sa mga bulubunduking bahagi na kapag umulan ay sinasahod ng kanilang ilog diretso sa kabahayan.

Speak Your Mind

*