Nahintong implementasyon ng point of care program, pinaghihinayangan

Malaki ang panghihinayang ang probinsya ng Pangasinan sa nahintong implementasyon ng programang point of care na unang sinimulan noong panahon ni dating governor at ngayong 5th district Cong. Amado T. Espino Jr.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Dr. Jeremy Jerico Rosario, Board Member ng ika-apat ng distrito ng Pangasinan, sinabi nito na ang Point of Care Program ay nakatulong ng malaki hindi lang sa mga pasyente kundi maging sa mga hospital.

Dahil aniya sa Point of Care Program, lahat ng binayarang premium ng probinsya ay walang nasayang dahil nagamit ang lahat ng serbisyo ng Philhealth sa pamamagitan ng “No Balance Billing”.

Mas madali umanong maka-comply ang mga pasyente sa requirement ng Philhealth dahil ang kailangan lang dito ay birth certiticate at indigence certificate.

Bukod pa rito, may inilaan na umanong pondo ang provincial governent sa Point of Care System para sa taong 2017.

 

Ang tinig ni Pangasinan 4th District Board Member Jeremy Jerico Rosario sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*