National disaster resellient month, mas pinatatag ang kamalayan ng publiko sa kalamidad

Mas pinatatag na ang paghahanda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan laban sa banta ng kalamidad.

Ito ayon kay Avenix Arenas, Spokesperson ng PDRRMO-Pangasinan ay dahil pinalitan na ang seleberasyon ng National Disaster Consciousness Month ngayong taon ng national Disaster Resellient Month sa base ng Executive Order No. 29.

Naniniwala si Arenas na pinalitan ang naturang selebrasyon upang mas pagtibayin ang publiko sa banta ng kalamidad at agad na makabangon sa epekto ng sakuna.

Malaki naman aniya ang naitulong ng RA No. 10121 o ang National Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 para makamit ng pangasinan na maging isang disaster resellient province.

 

Dahil umano sa naturang batas, nakapag-sasagawa ng ibat-ibang mitigating at preparedness measures ang PDRRMO upang maiwasan ang mas malaking pinsala ng kalamidad na kinakailangan ng response at rehabilitaion.

Speak Your Mind

*