Natitirang buffer stock ng NFA Western Pangasinan, para na lang sa disaster response

Kinumpirma ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan na ang natitira na lamang na buffer stock sa kanilang warehouse ay para sa disaster response.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio, sinabi ni Thea Faye Bautista, Information Designate Officer ng NFA-Western pangasinan na umaabot na lamang sa 8,038 bags ang natitirang stock ng bigas.

Ayon kay Bautista, ang natitirang stock ay nakalaan na lamang sa BJMP, DSWD, at iba pang government agency para sa kanilang mga relief operation.

Maliban dito, kasama rin aniya sa natitirang stock ng NFA rice ang para sa bagong program ng probinsya ang “Bigasan ng mga Bayani”.

Ipinaliwag naman ni Bautista ang dahilan ng pagbaba ng buffer stock ng NFA.

 

Ang tinig ni Thea Faye Bautista, Information Designate Officer ng NFA-Western Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*