NFA Western Pangasinan, tiniyak na hindi magkukulang ang suplay ng bigas

Tiniyak ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan na hindi magkukulang ang suplay ng bigas sa lalawigan para sa pangangailangan ng mga Pangasinense.

Ito ay dahil umaabot pa sa 227,752 bags ang stock ng commercial rice na tatagal hanggang 44 na araw habang nasa 439,214 bags ang household stock na ko-konsumo hanggang 46 na araw.

Maliban dito, sinabi pa ni Thea Faye Bautista, Information Designate Officer ng NFA- Western Pangasinan na inaasahan narin ang pagdating ng inaangkat ng bigas na aabot sa 250,000 metric tone ng bigas sa bansa.

 

Ganupaman, bahagya na umanong tumaas ng P5 kada sako ng broken rice habang nananatili namang matatag ang presyo ng Nfa Rice sa P27 hanggang P28 ang kada kilo.

Tiniyak naman ng NFA-Western Pangasinan na hindi magkakaroon ng kakapusan sa suply ng bigas sa lalawigan.

Speak Your Mind

*