Pagkahinto ng Point of Care Program, hindi umano dahil kay Gov. Espino

Binigyang diin ni Pangasinan 4th District Board Member Jeremy Jerico Rosario na hindi disisyon ng provincial government na mahinto ang implementasyon ng Point of Care Program.

Una nang kumalat ang haka-haka na ipinahinto ni Governor Amado “Pogi” Espino III ang pagpapatupad ng Point of Care Program kapalit ng Point of Service ng Philhealth.

Ayon pa kay Rosario, ang Point of Service ng Philhealth ay isang kautusan ng National Government na hindi nila maaaring talikuran bagamat wala pa itong malinaw ng implementing guidelines na nagbibigay kalituhan sa marami.

 

Ganunpaman, tiniyak ni Rosario na hindi hihinto ang probinsya na mabigyang linaw ang proseso sa pagpapatupad ng Point of Service ng Philhealth para sa kapakanan ng mahihirap ng mga Pangasinense.

Speak Your Mind

*