Pagpapautang sa mga maliliit na mga negosyante, may programa na – DTI

Nag-i-identify na ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa pamamagitan ng small business corporation, ang financial arm ng ahensya para sa pagpapatupad ng programang “Pondo Sa Pagbabago at Pag-asenso” o P3.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan na ang P3 Program ay itinatag ng gobyerno para tulungan ang maliliit ng mga negosyante.

Layun din ng P3 o ang financing program na maiiwas ang mga negosyante sa pangungutang ng “5’6”.

Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang dti sa mga association at cooperation na mayroong lendng program para maging katuwang sa pagpapatupad ng naturang programa.

 

Sa ilalim ng programa, maaring makahiram ang maliliit ng negosyante ng halagang P5,000 hanggang P150,000 na may porsyentong 2.5 percent without collaterial at less paper requirement.

Speak Your Mind

*