Pagtaas ng kaso ng tuberculosis, dahil sa pagkakaroon ng awareness ng publiko – PHO

Walang piniling edad at estado sa buhay ang sakit na tuberculosis o mas kilalang sakit ng TB.

Ito ang inihayag ni Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng Provincial Health Office (PHO) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ginugunita ang selebrasyo ng “National Lung Month” ng Hulyo.

Sinabi ni Zarate na ang mataas na kaso ng tuberculosis sa pangasinan ay dahil sa awareness o kamalayan ng publiko sa sakit na TB.

Kung dati aniya ay nahihiya silang magpagamot, ngayon sa sila na mismo ang kusang lumalabas para magpagamot.

 

Nilinaw naman ni Zarate na ang TB ay sakit na nagagamot at hindi namamana, ngunit maaaring itong makahawa lalo na kung mahina ang iyong resistensya.

Speak Your Mind

*