Panahon ng tag-ulan, maagang pinaghandaan ng MDRRMO Bani 

Maaga na umanong pinaghandaan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Bani, Pangasinan ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Angelico Ventenilla, MDRRMO ng Bani, buwan pa lamang ng Hunyo ay nagsagawa na silang ng clearing operation sa mga river bank.

Nagiging problema nga lang aniya ay masyado nang malambot ang lupa sa tabi ng ilog kayat gumuguho at magiging dahilan ito ng pagbabaw ng ilog.

 

Idinagdag naman ni Ventenilla, na nagsasagawa na ng rep-crapping ang munisipyo sa ilang bahagi ng kailugan upang maiwasan ang mas malawak na pagguho ng lupa.

Speak Your Mind

*