Pangasinan, nakibahagi sa ginaganap na ASEAN 2017 MSME Development Summit

Kabilang ang lalawigan ng pangasinan sa nakibahagi sa ginaganap na ASEAN 2017 Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) Development and Integration Summit.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan na ito ay kinatawanan ni Howard Chua-Chan, President ng Pangasinan Micro, Small Medium Enterprises Development Council.

Ayon pa kay Dalaten, napakahalaga ng naturang summit dahil tinalakay dito ang ibat-ibang paghahanda at mga dapat gawin upang makasabay ang mga produkto at serbisyo ng MSME sa ASEAN.

 

Bukod dito, nagkaroon din aniya nang pagkakataon sa pamamagitan ng “go local display product” na naipakita ang mga produktong gawa ng mga MSME sa Pangasinan.

Nabatid na ngayong linggo ay idinaraos ang Small and Medium Enterprises (MSME) Week na may temang “moving towards skilled, market-driven, and engaged MSMES”.

Speak Your Mind

*