Rehabilitasyon sa mga communal irrigation system ng Pangasinan, napapakinabangan na

Upang matiyak na mayroong patubig at makapagtanim ang mga magsasaka ngayong tag-ulan, tinapos na ang rehabilitation sa mga Communal Irrigation System sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam kay Dalisay Moya, Office of the Provincial Agriculture o OPAG-Pangasinan, sinabi nito na nagagamit na sa ngayon ang 32 communal irrigation system at nasa pamamahala na ng mga irrigator association.

Bukod pa aniya sa irrigation project ay may naipatayo narin ang probinsya ng daan-daang shallow tube well irrigation project at mga water pump.

 

Kasabay nito, sinabi naman ni Moya na close monitoring ang kanilang ginagawa sa para matiyak na ginagamit at napapakinabangan na sa pagtatanim ng palay ng mga magsasaka

Speak Your Mind

*